TEASER!!!
The Billionaire’s Adopted
Chapter 48
[ALANA]
“Did you enjoy the dinner, Alana?” tanong ni Howard. Hinatid siya nito papauwi sa bahay.
“Um, oo.” Tipid niyang sagot rito. Sa totoo lang masaya siya dahil nakasama niya ang sila lolo Ben at Lola Susan pero nawala ang saya ng trinato siyang malamig ni Roman. Ni hindi man lang siya tinignan nito o kinausap. Iniiwasan pa rin siya nito.
“I know you’re not pero you put up your smiling face para hindi ka mahalata nila Tito at Tita. Ginawa mo lang ‘yun para hindi masira ang dinner date, tama ba ako?”
“Hindi pa rin ako pinapatawad ni Roman.” Sabi niya habang nakayuko.
Tahimikan ang pumaligid sa kanila hanggang makarating na sila sa bahay.
Bumaba siya sa sasakyan. “Salamat po sa paghatid ninyo sa akin.”
Tumawa ito. “Please, huwag mo na akong ipo-po hindi pa naman ako masyadong senior citizen. Pwede mo naman akong tratuhin na kuya basta drop the formality.”
“Sige. Salamat.”
“Wait, wala ka bang klase sa sabado?”
“Wala.”
“Hmm…”
“Um, bakit?”
“Gusto sana kitang iinvite para… you know? Para mamasyal?”
“Bakit?”
“I don’t know? Para hindi ka masyadong malungkot and ‘diba nagpromise ako sa’yo noon na mamamasyal tayo so I will take this opportunity na imbitahin ka. So? Payag ka ba?”
“Um, mukhang kailangan ko pang magpaalam kay Roman.” Ayaw na niyang maulit pa ang nangyari na hindi niya pinaalam kay Roman na pupunta siya sa party.
“Are you still thinking about that incident? No need to worry, ako na mismo ang magpapaalam sa kanya. Promise ko ‘yan basta magtiwala ka lang.”
“S-sige, payag ako pero saan tayo mamamasyal?”
“Hindi ko pa alam saan, eh. Ibibigay ko sa’yo ang contact ko.” Nagkabigayan sila ng contact number pa tin na din ang social media account nito.
“So, see you on Saturday. Be ready, okay?”
✨STAY TUNED FOR THE NEW UPDATE OF THE BILLIONAIRE'S ADOPTED!!✨