"Bulong"
Nakatulala sa ilaw,
At hindi makagalaw,
Dahil sa puso kong lumilitaw,
Na ikaw parin ang sinisigaw.
Paano nga ba makalimot?
Sa masasayang alaalang naidulot?
Hindi alam kung saan lilibot,
Dahil walang sino man ang pumulot,
Sa puso kong malambot.
Ganoon na ba ako hindi katanggap tanggap?
Kinang nang pusong ikaw parin ang hanap,
Na pati sayo ay napapatid ang puso kong mailap,
Paano na nga ba ang puso kong nangungulila sa iyong yakap?
Hindi na alam ang gagawin,
Kung paano ka ba talaga aangkinin,
Na para sa sarili ko lamang aalamin?
Pero ang kaya ko lang gawin ay lalanghapin ang hangin.
Pagtingin ko sayo'y walang katapusan,
Hindi alam kung bakit kita nagustuhan,
At minahal ng tapatan,
Pero ang alam ko lang ngayon ay ang ibulong sa hanging hihipan,
Ang puso kong butasan.
Lubos na nasasaktan,
Anne.