PART 1 TESTIMONY
I have a friend na matagal ng nahiwalay sa Mom niya simula nung bata pa lang siya.Separate na yung parents niya at meron nang ibang asawa yung dad niya. Yung mama niya kasi ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Maraming taon na ang nakakalipas ngunit wala pa rin siyang nababalitaan tungkol sa mama niya. Kaya hindi na maiwasang iassume ng mga relatives at friends nila na baka patay na nga ito o nag-asawa na at tuluyan na talaga silang iniwan. My friend is a Sunday school teacher sa church nila and despite sa ups and downs sa buhay niya, she still remains strong sa kaniyang faith na balang araw, in God's perfect timing, magkikita talaga sila ng Mom niya...Kaya kahit walang kasiguradohan, she still trust Him and waited for His promise. I am just a bystander lang na tumitingin sa susunod na mangyayari sa buhay niya...Ilang taon din yun...kung ako yung nasa katayuan niya, mababagot talaga ako sa kakahintay.
It was very still. Nagraduate lang siya sa college, walang Mom na sumubaybay sa pag-akyat niya sa stage...Then, natanggap siya sa isang online English company. Isang araw, sinabihan siya ng tiyo niya na tutulungan siya nito na magtrabaho sa Thailand kasi marami dung naghahanap ng mga gurong magtuturo ng Ingles. At the same time, she's also appointed as a missionary na nakadestino doon. Biglaan lang yun at hindi niya yun iniexpect. Wala siya passport, wala siyang pera, wala din siyang matitirhan dun.
But Here's the boom...
To be continued...