lion_amalon

Trust the process—everything will be alright.

lion_amalon

PAGLALAKBAY
          ni Lion Amalon
          
          Tinta’y buhay ko,
          Salita’y naglalakbay,
          Damdami'y buhay.
          
          ——————————
          
          Ang tinta para sa akin ay buhay ko—paraan ng pagpapahayag ng aking mga kwento, damdamin, at ang aking pagkatao. Sa bawat salita, parang naglalakbay ang aking emosyon at nararamdaman, umaabot sa iba’t ibang tao at panahon. Sa pagsusulat, napreserba ko ang mga damdamin ko at patuloy itong nabubuhay, hindi natatapos.

lion_amalon

Hindi ako gumagawa ng kwento na walang iniiwan na aral sa huli. Ang bawat kwento ko ay may layunin—hindi lang magpasaya, magpalungkot, magpakilig, manakot, o magpatawa, kundi magbigay ng aral na magagamit niyo sa pang-araw-araw na buhay. 
          
          Ang mga kwento ko ay hango sa mga ideyang nagmumula sa aking imahinasyon, sa mga kwentong binabahagi ng aking mga kaibigan at kamag-anak, sa aking mga karanasan, at sa mga bagay na aking na-oobserbahan sa paligid.
          
          Sa huli ng bawat kwentong ginagawa ko, laging may aral na magpapalalim sa inyong pananaw at magbibigay gabay sa inyong buhay.
          
          Kaya't sana, kapag natapos niyo basahin ang mga kwento ko, hindi lang kayo magsaya, kundi may dalang aral na magpapalakas sa inyo at magbibigay inspirasyon sa inyong mga hakbang sa buhay.

lion_amalon

SA BAWAT TITIK NG PAGOD
          ni Lion Amalon
          
          Itutuloy ko pa ba ang pagsusulat?
          Pagod na ang mga daliri, ang isip ay sunog,
          Mga salita’y tinitipon, ngunit parang walang nakikinig.
          Bawat kwento'y nawawala sa dagat ng kawalan,
          Ang mga pahina'y tahimik, walang tumatangkilik,
          Pakiramdam ko'y nagsasayang lang ng oras,
          Isang paglalakbay na walang patutunguhang tiyak.
          Ngunit kahit ang puso ko’y naguguluhan,
          May isang boses sa loob na nagsasabing—
          "Patuloy ka, sapagkat ang bawat kwento
          Ay may halaga, kahit wala pang nakakarinig."
          At baka, isang araw, may magbukas ng mata,
          At makikita ang mga salitang matagal nang isinulat,
          Dahil sa mga titik, ang mundo'y may bagong mukha.
          
          PS: Ang OA ko naman masyado pero ito talaga ang nararamdaman ko.