Ilang araw din akong hindi nagsulat dito. Ilang beses kong pinigilan ang sarili ko na huwag magsusulat ng kahit ano para sa'yo. Kahit nung June 4, pigil na pigil akong huwag na dugtungan pa iyong libro rito. Pero hanggang dito lang iyong kaya kong pagpipigil, or else didiretso na naman ako sa gmal mo kahit alam kong 'di ka sasagot.
'Di ko alam bakit ako naiiyak e. Basta ang bigat ng pakiramdam ko kahit hindi dapat. Cuddy, parati kong pinapagod ang sarili ko para lang huwag kang maisip. Para lang hindi ko maramdaman iyong sakit. Para lang hindi ako magsulat dito. Cuddy, miss na miss na kita. Miss na miss kita sobra.
Happy birthday naman sa'yo. June 10 na. 32 ka na. I hope you're doing well, Cuddy. I hope you're okay. Ako kasi hindi. Ewan. Natatanga, nawawala. Hindi naman dahil sa'yo. Medyo lang. December na alis ko papuntang Canada, Cuddy. I still keep on wishing for you. Kahit alam kong mali at hindi dapat. Pero 'yon talaga e. Alangang magsinungaling pa ako sa sarili ko. Pakasaya ka. Paka-okay ka. Mahal na mahal pa rin kita. Mahal na mahal kita parati. Kahit isang beses, hindi nagbago, hindi nawala.