llyzza27

Kaibigang Lubos
          	
          	Kidlat sa bilis ang mga pangyayari
          	Dati’y nag-iilangan at mailap ang ngitian
          	Ngunit, nang kami’y magkakasama
          	‘Di ko akalain diwa’y magkakaisa
          	
          	Maaamong kordero at maaaliwalas ang mukha
          	Madalas mapapansin ang kanilang tawa
          	At bukas ang palad sa isa’t isa
          	Na handang mag alay ng luha sa dagok na iyong tinatamasa
          	
          	Sila ‘yong may busilak ang puso
          	Higit pa sa yaman na dapat pahalagahan
          	Dahil sa kanila ko lang naranasan at naunawaan
          	Ang tunay na kahulugan ng salitang “KAIBIGAN”.