nagbabalak na akong umalis sa platapormang ito. balak kong magpokus sa FB page ko na nagpapaskil ng mga tula. tapos, may nabubuo na ring mga plano sa isipan ko na ayaw kong sabihin at baka mapurnado pa. hahaha.
hindi ko naman iiwan ang pagsusulat. magpapatuloy pa rin ako, hindi nga lang dito.
gusto kong pasalamatan ang lahat ng nakilala ko rito! sa mga nagbasa ng akda ko at sumuporta sa akin (kung mayroon man.)
pakiramdam ko, hindi para sa akin si Wattpad. medyo tumatanda na rin ako kaya kailangan nang kumilos at huwag masyadong ikulong ang sarili rito.
muli, maraming salamat!
— Vincent