Hello author-nim, lorenzoism
Una sa lahat ay pagbati po dahil malaki na rin achievements mo sa buhay at bilang isang author!
Bumalik po ako rito sa ika-4 taon para sana batiin ng Happy Birthday si Fino haha. (Kaway-kaway sa mga OG diyan haha)
Hindi ko alam kung siraulo na ba ako or ano, pero ‘yong story na FMUS, ginawa kong comfort story haha. Itong story na na nagawa mo ay hindi ko makalimutan at pilit na binabalik-balikan. There’s something sa story kasi na kahit masakit ay naipamulat sa akin na may iba’t iba tayong definition ng happy ending. Marahil ‘yong iba sa mga makakabasa ng komento ko ay sasabihin nga na sira ang tuktok ko. Dahil tinapos na nga ang FMUS — bumabalik pa at naghihintay sa part 2 epilogue.
For author-nim, thankyouu po sa pagsulat ng FMUS. ‘Masterpiece, art, eye-opener, timeless, the ONE, the BEST’, iilan lang ‘yan sa masasabi ko sa nagawa mong story T_T — ‘yong tipong bawat gawa niya ay angat sa lahat huhu.
Para naman sa ibang mambabasa, huwag lang sana basahin ‘yong FMUS dahil may for mature chapters ‘yong story. The message of the author’s story is beyond that — maraming isyu o problema na nakakaharap sa araw-araw na makikita at mababasa natin. Isa na roon ‘yong pagtaas ng cases at age range ng HIV. Kaya please, sa mga makakayang mabasa ‘yon, try po natin. ^_^
Kaya masasabi kong Fire Me Up, Second is THE STORY na mas kailangan natin i-recognize. Why?
1. Hindi siya typical na high school/college storyline na masasabi mong nakakaumay kasi cliché ang plot or what.
2. The plot, character, and also timing ay relevant pa rin kahit kanino man e. Mapa-bi, gay, curious straight kuno ay may makukuha kang aral sa kanila (Also, great representation na rin sa character na binuhay ni author-nim)
3. Lastly, hindi nakakasawang basahin; hindi nakakasawang ulit-ulitin at babalik pa rin.
Kaya kung dumating man ‘yong araw na magkaroon ng physical book ang FMUS at ibang gawa ni author-nim, I won’t hesitate na bumili at i-support siya. ❤️