Nagising ako kahapon at hindi ko alam na may magiging pagbabago na naman sa buhay ko. May mawawala. Ang bilis ilang segundo , minuto o oras lang ang lumipas, nanginginig lang mga kamay di makapaniwala sa katotohanang wala ka na. Ilang araw o linggo nang huli kitang makita, Apong. Hindi ko alam na sa susunod nating pagkikita ay nakahimlay ka na sa loob ng isang kahon na kulay puti. Ang bilis! Di ko mapigilan ang luhang rumaragasa at sa hikbing pinipigilan pa. Mga sinabi mo at paalala at siyang babauning alaala. Paalam Apong Jose. Rest in Peace