ASDFGHJKL!
Omg! Thank you, guys!
Sa new, current, and previous readers ko, thank you at nagbabasa pa rin kayo. And sa pag-support niyo nang iba kong gawa. Honestly, habang nag-iipon ako ng mga chapters sa ibang mga line-up na stories ko, outlining new plots, and re-enacting scenes, natutuwa ako na mayroong mga sumusubok sa mga gawa ko.
And another honest take, natatawa ako sa sarili ko. Kasi sa tuwing tumatambay ako sa Wattpad to take a short break, nagpapalit ng covers, or nagsusulat ng stories ko ay nakikita ko mga ina-add ninyong stories na sulat ko sa reading lists ninyo. Natatawa ako kasi sa mga dati kong works roughly magulo, there are problematic monologues and/or scenes, tapos binabalik ako sa high school years ko na walang direksyon pa ang mga sinusulat ko.
Kaya if may mabasa man kayong something problematic sa mga early works ko, criticizing it negatively--hindi ko kayo masisisi. Kasi mali talaga ako sa mga nilalagay ko. And I will refine it again and again. Tapos sa mga current works ko, I will do my best to transition those changes and developments as well.
Again, thank you everyone!