Happy 500 Reads, AOS! Salamat sa kaunting atensyon na binibigay niyo po, nakaka-appreciate talaga!
Honestly, plano ko na sanang mag-stop eh—mas gusto ko sanang magbigay ng suporta sa ibang writers. Nagdududa na rin kasi ako sa sarili ko. Pakiramdam ko, hanggang doon na lang 'yung kaya kong isulat. Knowing na talagang mabilis akong madistract at mawalan ng gana, may times na naiisip ko, 'Huwag ko na lang kaya ituloy?' Pakiramdam ko kasi hindi ko kayang tapusin o ituloy eh. I mean, nakaya ko naman ituloy, halos patapos na nga 'yung Chapter 3 at agad ko na ring sinimulan ang Chapter 4. Hindi lang talaga ako makapag-focus. Ang dami kasing nangyayari sa family namin. Agad naman naaayos, pero may panibagong darating na problema na naman. Hindi kaya sinumpa ang pamilya namin? Huhu, inside joke lang 'yon, kahit pangit na joke. (〒﹏〒)
Pero ayon nga...naisip ko na ituloy ko na lang din. Gusto kong suportahan ang sarili ko at maging satisfied sa ginagawa ko. Kahit na marami-rami na kaming problemang pinagdaanan, hindi pwedeng titigil lang ako sa pagsusulat. Gusto kong gawin itong inspirasyon para makapagpatuloy. Ito lang 'yung takbuhan ko at pampakalma ko, alangan namang bibitawan ko pa?
Kaya nagpapasalamat ako sa inyo. Lalo na sa mga writers/authors na tulad ko na may ganitong pinagdadaanan—magkakaiba man ng dahilan o problema, 'wag po tayong mag-give up. Pahinga lang, at kapag ready na, tuloy ulit sa pagsusulat. Ang random ko talaga huhuhu.