magayonloves

Yes naman, update ng ending yarn? Awits.

LauraMayberry7

@magayonloves hii your stories are rly good! would you like to try uploading your stories to our platform?  we will help your story to reach more readers! please send me a dm for more info, thank you
Reply

magayonloves

IKA-DALAWAMPU'T ANIM NA KABANATA, updated na! #PatalsikinSiMsDayo
          
          "He's almost here," tumatango siya nang sabihin iyon, kinukumbinsing ayos lang na mauna na kaming umalis.
          
          "Alam ko na! Sumama ka na lang!" bulalas ni Jef na akala mo ba sobrang ganda ng ideya niya... o ng plano niya?
          
          "Uhm... Saan ba?"
          
          Hindi maganda ang kutob-.
          
          "Sa kwek-kwekan d'yan sa tapat. Libre ni James!"
          
          Mabibigwasan ko 'tong si Jef, makita mo...
          
          Libre nga, sa kwek-kwekan naman. Hindi man lang ginanda-gandahan ang lugar ng pagkakainan. Hay nako...
          
          ***
          Just like what has been said, James paid for the foods we ate. Kahit itong dala kong kwek-kwek at fishball na pasalubong ko sana kay Manang at kay Kuya Lando, it was him who paid all of these. I thanked him, of course. He said that it was nothing compare to the things Manang does for him whenever he's with us. Well, he doesn't really need to compare, you know.
          
          My phone vibrated and oh... Did I actually smile because James sent me a message? Tss. Crazy... I'm just not sure if it's me or him.
          
          
          James dela Vega
          Hindi ka mamamatay sa isaw. Pero kung hindi ayos ang tiyan mo sa gano'n at may maramdaman kang hindi maganda, sabihin mo agad sa'kin, ha? Ingat ulit. Sana nabusog at nag-enjoy ka kahit papa'no.
          
          
          Maybe he's the one. I mean, the crazy one. He's so protective of me. He's really making the confusion grow in me. Who am I to him, anyway?
          
          Another vibrate from my phone and I'm sure who's crazy.
          
          
          James dela Vega
          Sana maulit. Pero sana hindi na sa tusok-tusok lang.
          
          
          Stopping this smile like an idiot until I got home? Locking my room from inside so I can actually let this smile flash on my lips while laying down on my bed? Absolutely, I am the crazy one here. Damn...
          
          +×+×+
          WELL, WELL, WELL... ANO BA KASI ANG NANGYARI SA PAGSAMA NG RICH GIRL NA SI MERIAH KINA JAMES SA PAGKAIN NG KWEK-KWEK?
          
          Read it here: https://my.w.tt/hXZEMvdHG4

Ayacintha

Hi! Sana mavisit mo din ang profile ko! 
          Kung gusto mo ng non cliche story!
          Ghost writer, My lover 
          ay tungkol sa isang aspiring writer na hindi inaasahang namatay kaya siya nagising ghost! As in multo!
          Nakilala niya isang Writer-Director na tumulong sa kanyang hanapin ang past niya at ang kapalit, alam mo na, ang maging Ghost writer nito!
          
          Other side of the parallel
          Ay tungkol naman sa isang babaeng tila nabubuhay sa dalawang mundo at dahil yun sa isang librong hindi inaasahang napulot niya na nagbukas ng mga kahindik-hindik na kababalaghan sa paligid niya. 

magayonloves

IKA-DALAWAMPU'T LIMANG KABANATA, updated na! #PatalsikinSiMsDayo
          
          "Congrats," bungad ni Jef. Sumandal ito sa katapat kong haligi.
          
          Kumunot ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi.
          
          "Ano?"
          
          "Congrats... Umamin ka rin, sa wakas," paglilinaw niya habang pigil-pigil ang ngisi. "Sabi ko na, e. Dati naiintindihan ko pa na kaya mo tinititigan si Meriah dahil inoobserbahan mo siya. Ba't nga ba naman kasi biglang lumipat sa public school ang mayamang minsang nanglait sa public school, 'di ba? Pero, p're? Habang tumatagal iba na, e. Hindi ko na kinakaya 'yong lagkit."
          
          "Gago." Sinipa ko nga sa binti. Ingay-ingay ng loko. Iyon pa ang inintindi - may makarinig sa kaniya rito...
          
          Humalakhak siya.
          
          "Kumusta si Andeng?" pag-iiba ko ng usapan.
          
          "Alam mo, p're? Kalalaki mong tao, kahaba ng buhok mo."
          
          "Tarantado." Muling dumapo ang paa ko sa binti niya. Alam ko'ng tinutukoy niya.
          
          "Masakit, gago!" aniya habang nakayuko at napapahimas sa binti niyang sinipa ko. "Pero akalain mo 'yon? May gusto pala sa'yo si Andeng. Ako nga napansin ko 'yang pagtingin mo kay Meriah, siya pa kaya na may pagtingin sa'yo. Ang sakit!"
          
          "'Tang-ina mo, 'yang bunganga mo... Marinig ka ng iba r'yan, kumalat pa 'yang pinagsasasabi mo."
          
          "Ayaw mo no'n? 'Di ka na mahihirapang umamin kay Meriah." Humalakhak siya pero agad ding natigil nang masulyapan ako. Hindi ko alam kung ano'ng nakita niya sa'kin kung kaya ay nagsalita siyang muli. "Bakit? H'wag mong sabihin na wala kang balak sabihin sa kaniya?!" gulat na gulat niyang tanong.
          
          +×+×+
          Read it here: https://my.w.tt/RLATYvjQb4