I want to share a piem written by me...
PILIIN LAGI ANG MAGPAKABUTI
Bato bato sa langit
Tamaan sana ng malupit
Nang magpakabait
At wag nang umulit-ulit
Sa bawat hakbang,kilos at salita
Sa ating mga ginagawa
Lubos na isaisip muna
Kung ito'y makabubuti o makasasama
Piliin lagi ang magpakabuti
Sigurado dito ay hindi ka lugi
Pagkat ipagsusulit mo lagi
Ang mabuti at masamang gawi
Kung sino ka man na naghahasik ng kasamaan
Bakit di ka muna tumahan
Subukan munang maintindihan
Na lahat tayo ay may pinagdadaanan
Piliin lagi ang magpakabuti
Ito ay hindi mahirap na gawi
Kung ito sa iyo ay mamamalagi
Mararamdaman mo ang Kanyang pagkandili