++ sa una akala ko hobby ko lang ang pagsusulat kase mahilig akong mag imagine ng kung ano-ano at gumawa ng mga senaryo sa utak ko. pero kalaunan, hindi ko alam na magiging tahanan ko na pala ito, na magiging isang daan pala ito para sa akin upang matakasan ang mga masasakit na reyalidad sa totoong buhay.
ilang beses na akong sumuko sa pagsusulat dahil hindi ko inaakalang magiging mahirap na pala sa huli. na-encountered kong magkaroon ng writer's block, palagi na lang tinatamad at walang wala talagang kahit anong ideya ang pumapasok sa isip ko. pero sa kabila ng lahat ng iyon ay binabalik balikan ko parin ito.
pero siguro sa puntong ito ay talagang magpapahinga muna ako. hindi ko sinusukuan ang minsan ko ng naging tahanan. magpapahinga muna ako at mag fo-focus sa pag-aaral ko. at pinapangako kong sa oras na kaya ko na ulit at may lakas na ulit akong magsulat ay babalikan ko kayo.
hindi ako magsasawang magpasalamat sa dalawang publishing house na nagbigay sa akin ng opportunity at pinagkatiwalaan ako at ang aking mga akda, ginawa itong libro kahit pa ito ay hindi perpekto. nagpapasalamat din ako sa mga naging kaibigan kong writer na gumabay sa akin at tumulak sa akin upang magpatuloy pa. at higit sa lahat, sa aking mga mambabasa sa walang sawang pagmamahal at suporta sa akin at sa aking mga akda. maraming maraming salamat sa inyong lahat. hanggang sa susunod nating interaksyon. maraming salamat at naging parte kayo ng writing journey ko kahit sa maikling panahon. mahal ko kayong lahat. take care always and let your pen bleed on their own. hanggang sa muli, paalam.
love, makareraaa<3