Malakas na napatawa si Sketch sa sinabi ko. "Kung kailangang mangapa sa dilim para lang masanay ka rito, mangapa ka. Kung kailangan mong mangapa para lang may malaman ka, mangapa ka. Alalahanin mo, Symphony, hindi sa lahat ng oras ay may kasama ka. Hindi sa lahat ng oras ay may gagabay sayo. Hindi sa lahat ng oras ay may mananatili sa tabi mo. Dahil ito ang pakakatandaan mo, Symphony. Darating ang oras na tatalikuran ka rin ng mga taong pinagkakatiwalaan mo. Alam mo kung bakit?"
"Bakit?"
"Dahil makasarili ang tao, Symphony. Kapag wala ka ng silbi, nawawalan ka narin ng halaga. At kapag wala ka ng halaga, wala ka naring importansiya sa buhay ng iba. At doon, makikita mo ang reyalidad na mas mabuti na ang mangapang mag-isa kesa umasa sa tulong ng iba."
https://www.wattpad.com/story/124798319