matagal din kitang hindi nakita, buwan
heto na naman ako sa pagkabihang
halos lahat ng makakaya ay ilalaan
muling susulat upang maibsan ang puwang
oo, kita mong suntok sa buwan
kumilos at hinding hindi na papakawalan
subalit ito na naman ang nararamdaman
natatakot, napapagod pero nagkakaunawaan
normal nga bang umibig habang pikit?
tinitiis ang sakit kahit na namimilipit
tila animo'y isang araw na wala siya'y masakit
nangungulia na para bang isang bulinggit
tama bang maramdaman ko ang hinagpis?
kasi aminado akong masaya dahil siya'y nakangiti
paano nalang kung ang pagmamahal ay manipis?
narito pa rin naman ako kahiti wala nang kiliti
minsan kadalasang iniisip kong walang pagtingin
sa tuwing magkikita'y nakaiwas ang tingin
hindi ko maintindihan kung ano ang ibigsabihin
basta't papalag ako basta ang kalaban ay hangin
lalaban ako hangga't maaari
maging kagaya man ng dati
o umabot pa sa harap ng pari
hindi ako sigurado pero alam kong isa na ako sa kaniyang pagmamay-ari