maryelacious

Sobrang nakakatuliro talaga kapag maliit ang sahod tapos andaming bayarin 

maryelacious

Monday bukas tapos wala akong pasok. Gusto ko talaga humanap ng simbahan para makapag muni muni after ko matapos maglaba. Kung saan ako dalahin ng mga paa ko bukas e bahala na. Lord, guide mo po ako palagi lagi. Sana magkaroon kami ng pera pambayad sa mga bayarin kasi sabay sabay at parang andami talaga. All Glory to You po Lord. Kayo na po ang bahala. Nawa’y magbunga lahat ng ginagawa namin nina nanay at tatay. Need po namin ng pera sa daming kailangan mabayaran. Huhu

maryelacious

My LPT Journey starts here. Sabi nga sa nabasa ko, whatever you ask for in prayer.. claim that you already have received it. Last na ito, para kay Nanay at Tatay, kay Nene, sa mga aso ko at para sa akin. Huling take ko na ‘to. Babalik ako dito na LPT na ako. So nag file ako last January 23 or 24 ata and upon checking last last day e complied na siya. Tapos today, Feb 5 e nag down payment ako sa CBRC and decided na bumili ng Gen Ed na book. Tapos ayuuuun, ubos pera ko pero worth it naman kasi LPT na ako sa May. 

maryelacious

Lord please, bigyan Mo ako ng work na merong healthy environment. Yung work na kahit nakaka-stress e makakahanap pa din ako ng peace of mind. Yung work na may ayos na sahod at makakapag-ipon ako and at the same time napoprovide ko wants and needs ng pamilya ko. Gusto ko pong makatulong kina nanay kahit papaano. Parang awa mo na Lord i-direct mo ako sa work na makakatulong sa akin.