Ako si Matt Jenno.

Kilala ako’ng “Matt-matt” noon. Maliit na bata na halos hindi humihiwalay kay mama. Maliit na bata na paborito’ng apo ni lolo bert. Maliit na bata na lagi’ng nakikipag-kwentuhan sa mga tambay sa shop ni papa. Maliit na bata na lagi’ng sumasama sa sabongan para makakain ng siopao. Maliit na bata na may hika. Maliit na bata na iyakin sa unang taon ng elementary. Maliit na bata na hindi masyado’ng kilala sa eskwela. Maliit na bata...noon.

Ako si Matt Jenno.

Hindi ako ang best. Noong high school lagi ako’ng nasa likod ng mga top honor. Hindi rin ako ang bida sa barkadahan. Hindi ako masyado’ng palakaibigan. Hindi ako gwapo. Hindi napapansin.

Ako si Matt Jenno.

Mahilig ako dating magsulat. Nakapagsulat na ako ng mga tula, nawala ko na nga yung mga iyon. Nakapagsulat na ako ng maikling kwento, sa sobrang ikli, di ko na mahanap yung papel na pinag sulatan ko. Nakapag sulat na ako sa school publication namin. Mahilig ako sa news writing. Dati ako’ng News Editor, at pinalad pa nga na maging Associate Editor. Napublish din minsan ang isa sa mga tula ko. Pinagdudahan pa nga ako ng adviser namin kung original ko iyon. Mahilig ako’ng magsulat...noon.

Ako si Matt Jenno.

Moody ako.
Bipolar daw ako.
Aminado’ng mayabang.
Tunay na kaibigan.
Mahilig manood ng movies.
Kilala ako’ng “Matt” ngayon. Hindi na maliit na bata. Hindi na nasalikod ng ibang tao, dahil may sarili nang prinsipyo. Susubukan ko’ng magsulat muli. At sana mas makilala nyo pa ako.

Dahil, ako si Matt Jenno.
  • Daet, Camarines Norte
  • JoinedFebruary 20, 2012


Following


Story by mattjenno
Pilosofia by mattjenno
Pilosofia
He is trying his best to adapt to his new life; but what will he do if suddenly everything is in twist and tu...
ranking #693 in youth See all rankings