mayiilayug

UPDATE: #PassageOfTime - Kabanata 12 posted ♥️
          	
          	Read here:
          	https://www.wattpad.com/1577609582

mayiilayug

UPDATE: #PassageOfTime Kabanata 5 posted ♥️
          
            :  
          
          Vesper: Calista!
          
          Calista: Anong problema mo?
          
          Vesper: Ikaw. Ikaw pala ang nagsumbong kay nanay na nagpa-paint ako pagkayari ng klase?
          
          Calista: Hindi, ah. Saan mo ba napulot ang chismis na 'yan?
          
          Vesper: Hindi na mahalaga kung saan. Umamin ka na lang na ikaw nga.
          
          Calista: Hindi ako aamin sa bagay na hindi ko naman ginawa.
          
          Vesper: Alam mo kung gaano kahalaga sa'kin ang pagpa-paint. Bakit mo ginawa 'yun? Oo, alam kong magkaaway tayo, pero kailangan ba talagang umabot sa gano'n?
          
          Calista: Hindi nga ako ang nagsumbong. Ilang beses ko bang uulitin?
          
          Vesper: Come on, Calista. Tayo lang naman ang magkaaway sa school na 'to. Walang ibang gagawa no'n, kundi ikaw lang.
          
          Calista: Sigurado ka talagang ako 'yon? Nasaan ang ebidensya mo? See? Wala kang maipakita. Ang hilig mo kasing maniwala sa mga sabi-sabi. Matalino ka, 'di ba? Bakit hindi mo gamitin ang utak mo para mag-imbestiga? Hindi 'yung nagbibintang ka na lang agad nang walang katunayan. At kung matapang ka, sabihin mo nga sa'kin kung sino ang nagsabi sa'yo na ako ang nagsumbong sa nanay mo. O baka gusto mong iharap ko pa sa'yo ang nanay mo para malaman mo ang totoo?

teyangzii

Hi, Ms. A! Namiss ko basahin yung mga works mo, lalo na yung Empire Series. Fan mo na po ako since 2020, ongoing pa yung Calm the Storm non. Naalala ko pa yung mga panahong hinihintay ko yung update mo tapos nababaliw na ako kakaisip ng theories. Miss ko na mag post sa Facebook page about sa stories mo. Gusto ko lang po sabihin na sobrang proud ako sa'yo. Ang layo na ng narating mo, and you truly deserve more recognition. Lovelots, Author. Keep writing po. Rere-read ko ulit ang Empire Series! 

mayiilayug

@teyangzii Aaw. Thank you for your unwavering support. Love lots ♥️
Reply