Ako si Maylene Jupiter. Nagsusulat ako hindi para magpahayag ng damdamin, dahil hindi iyon ang layunin ko. Ang trabaho ko ay mag-record. Mag-obserba. Maglagay ng mga pangyayari sa salita nang walang interpretasyon, walang moral lesson, at walang emosyon na nagpapalambot sa totoo.
Ang mga kwento ko ay hindi ginawa para maging relatable o inspirational. Hindi rin sila ginawa para alagaan ang mambabasa. Wala silang tungkuling magpagaan ng loob o magpahiwatig ng pag-asa. Ang layunin ay malinaw: ipakita ang mga bagay na nangyayari, at kung paano sila nangyayari, nang walang pakialam sa magiging reaksyon ng sinumang makakabasa.
Wala akong intensyon na gawing kaibig-ibig ang mga tauhan. Hindi sila dinisenyo para mahalin, unawain, o kaawaan. Sila ay representation lamang ng mga proseso at desisyong ginagawa ng mga tao-kadalasan hindi maganda, minsan hindi lohikal, at madalas walang saysay. Pero totoo.
Kung binabasa mo ito, tandaan mong wala kang mahihintay na comfort, kahi't anong anyo. Hindi ko sinusubukang i-guide ka. Hindi ko gustong i-inspire ka. Ang meron lang dito ay mga pangyayaring inilatag nang diretsahan, walang emosyon, at walang konsiderasyon kung ano ang mararamdaman mo.
Hindi ako nagsusulat para sa connection.
Hindi ako nagsusulat para sa meaning.
At hindi ako nagsusulat para sa healing.
Nagsusulat ako dahil may mga bagay na nangyayari, at kailangan lang mailagay sa salita.
Wala nang iba.
Kung pipiliing mong manatili, iyon ay desisyon mo.
Wala akong kinalaman sa epekto nito sa'yo.
Ito ang mundo ko-malamig, tahimik, eksaktong totoo, at walang kailangang ipaliwanag.
- Caloocan, Manila, Philippines
- JoinedNovember 21, 2025
- facebook: Maylene's Facebook profile
Sign up to join the largest storytelling community
or
Story by Maylene Jupiter
- 1 Published Story
Parallel Misfits: The Door of Odd...
8
0
5
When an ordinary girl discovers a glowing door hidden in the middle of a quiet forest, her life flips into a...