sino ka mayumingkuwago? hindi ko alam kung sino ako. hindi ko mapangalanan ang aking sarili. hindi ko mapili kung anong katangian ba ang dapat na aking ipakilala. ang tanging alam ko lamang ay naliligaw pa rin ako sa tamang landas na aking tinatahak.

ilang taon ka na mayumingkuwago? hindi ko alam ang aking gulang. sapagkat hindi ko malaman kung ang aking edad ay angkop sa pag-iisip na aking tinataglay. maaaring isipin na tila yata ay maaga akong namulat sa katotohanan na hindi ko kailanman inasam sa musmos na kapanahunan.
  • Luzon
  • JoinedDecember 1, 2018