Nakaka-cringe ‘yung way of promoting ko noon—pa-spam. What the hell? Tapos pa-post-post pa ako sa message board ng iba. Ito pa, nag-po-post pa ako ng mga gawa sa group pages (puwede pa naman akong ma-plagiarize no’n). Gusto ko mag-sorry nang paulit-ulit, at nagbago na ako. Tapos noon, pini-PM ko pa talaga mga ‘di nagfa-follow back. Nakaka-cringe! Wrong move talaga ako ro’n; ‘di pa ako educated sa mga gano’n. Thankful ako sa mga kapuwa kong manunulat na nagsasabi na mali ‘yon ang hindi maganda ang gano’n. Do’n talaga ako natuto. Ang rude pa ng approach ko noon. “Please read my story—” Oh, my gosh. Hindi lang ‘yan, pati na rin ang vote for vote.
Nakakahiya talaga, I swear. Sorry talaga sa mga makakakita ng mga kalat ko. Ibang tao na ako ngayon kaysa noon. ‘Wag niyong tularan ang old self ko, everyone. Pangako, hindi na mauulit ‘yan. Let us all learn from our mistakes, guys. ❤️