No Other Love Book 1
Chapter 1: Fire and Rain (uncut)
Natigilan ako pagbaba ko sa maluwang na sala ng mansiyon nang marinig ang tawanan sa ibaba. Kumunot ang noo ko na bahagyang inayos ang suot ko na uniporme. Napatingin ako sa orasan, maaga akong nakauwi mula sa klase ko at nakatulog pagdating. Ngayon, nagugutom na ako at hindi na nag-abalang magbihis.
"My brother will be pissed Nic! Saka isa pa hindi ako papayagan non umalis."
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses. Nakangiting tumakbo ako pababa ng hagdan.
"Stephie!"
Parehong napatingin sa akin ang dalawa. The girl is in her high school uniform while my big brother in his jeans and plain polo shirt. Halos dalawang taon lamang ang tanda sa akin ni Stephanie who is looking so pretty and charming in her school uniform. Kahit magkaiba kami ng school, we managed to chat sometimes. Madalas kasi siyang isama ni kuya sa mansiyon.
She smiled nang makita ako. "Hi ,Dee."
I looked at her and my brother suspiciously. "Saan kayo pupunta, ha? May lakad na naman kayo ni kuya," nakanguso kong sabi. Paano lagi na lamang nila ako iniiwan. Eh, halos hindi naman nagkakalayo ang edad namin!
My brother eyed me warningly. "Hindi ba dapat nasa school ka, right now?" kunot ang noo nitong tanong.
Inirapan ko ito na masayang hinila si Steph. "Saan kayo pupunta ni kuya, Stephie? Are you going to the mall? Sama ako!"
Napakurap si Steph sa akin pagkuwa'y napatingin kay kuya na tinitigan ako nang masama.
"You are not going. Steph and I will go to my friend's party," he said dismissively.
"Eh, di sasama ako! Nakakainis naman kuya, eh! Iiwan nyo na naman ako! Kagaya last week! Nagpunta kayo ni Stephie sa Tagaytay tapos hindi n'yo ko sinama!"