Lingid na sa kaalaman nating mga Pilipino ang mamuhay gamit ang teknolohiya. Isang mahalagang bahagi nito ay ang pagbibigay ng benepisyo at positibong impluwensya sa pag-iisip, pag-uugali at pamumuhay. Ngunit sa paglipas ng panahon, tila isang malaking dagok pa rin sa mga magulang, guro at mag-aaral ang hamong dala ng modernisasyong ito. Mula sa kaibuturang interest ng mananaliksik, nais kong ilahad ang ilan sa mga dahilan kung bakit ang paksang ito ang aking pinili :
- Una, ang pag-aaral dito ay magbibigay daan upang magkaroon ng kamalayan ang mga mag-aaral ukol sa mga positibo at negatibong epektong naidudulot nito sa kaugalian at akademikong perpormans ng mga mag-aaral.
- Pangalawa, nais siyasatin ng mananaliksik ang patuloy na ligwak sa sistema ng teknolohiya na naka-iimpluwensiya upang mahulog sa triyanggulo ng patibong.