Na inspired akong gumawa ng isang karakter na tulad ni Nikolas Barrida mula sa kuwento ni Binibining Mia sa Wattpad na ang pamagat ay "Sirine." Ang hanap ko kasi sa isang lalaki ay yung tulad ni Nikolas. Palabiro, Palatawa, Masayahin, Masipag, Madiskarte, Mabait, at higit sa lahat . . . gwapo, hehe.
Yung mga tulad niya kasing mahilig magbiro, maloko, palatawa, at magkwento ng kung ano-anong walang kawenta-kwentang bagay ay magagawa kang pangitiin at patawanin.
Ewan ko na nga lang kung meron pa bang gano'ng klase ng lalaki sa henerasyon ngayon eh . . . Anyway! Tunghayan niyo sana ang bago kong kwento🤗 Masaya akong ibahagi 'yon sa inyo!💖