Tula kay Mel
Paano akong di hahanga sa isang ikaw?
Kababaeng tao, sa pag-ibig ay matakaw.
Sa katulad mong napakaselosa
Bakit tumatagal ang inyong pagsasama?
Salamat lagi sa pagiging masiyahin,
Kahit ang ulo ko'y pinapasok ng hangin.
Sa iyong mga payo't pag-aalala
May pagmamahal at pag-iintinding dala.
Maganda mong boses animo'y awitin,
'wag munang kakanta't maaakit ang hangin.
Maging hamon man ang paningin ng mga tao sa inyo,
Nandito akong sumusuporta nang taos-puso.