meowngod

Para sa may ngalan,
          	
          	Takip Silip limited chapters still available until this baby is still in process of exclusively published! Get hang of it.
          	
          	
          	https://www.wattpad.com/story/218074242

meowngod

Para sa may ngalan, 
          
          I know it's not much but I am unpublishing my stories, Takip Silip and Bumubukang Liwayway due to revising and editing. For a better version! For us, for you. For me. But, I hope you still keep up with me while I make them work. 
          
          Salamat. 

meowngod

{A collab literature piece!} 
          
          Bumubusilak Bumubusinang Bisita 
          Iginawa ni desFauceto, meowngod
          
          Iba't ibang lugar, amoy, at init
          Nagising nanaman ako mula sa isang panaginip
          Abong nililipad nanaman ng hangin
          Di mawari kung bangungot kung may ngiti sa labi
          
          Ingay ng mga sasakyan at ang kulambo ng usok
          Init na nakapanlalagkit at nakakasukang mga tao
          At sa agos na kanilang likha ay ayokong mawala
          gusto kong kumawala
          
          Nasasakal ako! ang gusto kong isigaw
          Ngunit, hawak ko ang upos na dahilan kung bakit hindi ako makahinga 
          Gusto kong kumawala! nagpupumiglas
          Ngunit, nasa bulsa ko ang susi sa nangalalawang saradong pinto
          
          Aanhin mo ang mata kung ito ay pikit
          Aanhin mo ang bibig na ayaw magsalita
          Aanhin mo ang tengang ayaw makinig
          Kapag tapos at patay na ang madla
          
          Pumipiyok nanaman ang lalamunan gawa sa aking pagsigaw
          Takip nanaman ang kanilang mga tenga
          Sigurado't pag dinala ako ng ambulansya, di na aabot ang aking paghinga
          Ngunit kung sakali man, gusto ko silang tanungin. 
          Ni isang beses ba nakita ako nang isang paningin? 
          
          Kung bukas ang malay ko ay mahimlay
          Hindi sugat ang tamo at hindi kailangan ng saklay
          Walang bahid ng dugo
          ngunit isa ng bangkay
          
          Ngunit babalik at babalik ako bilang isang multo
          Bumubulong pa rin sa mga tenga mo
          Patuloy pa rin tatanungin kung bakit, pa'no, at gaano kasakim ang ginawa mo
          Babalik ako, walang bahid ng dugo
          Ngunit, maamoy mo ang umaalingasang galit ko.
          
          Habang buhay. 

meowngod

{Snippet, whisper} 
          
          Ni kailanman simula katorse, hindi na ako nagkaroon ng panaginip na makakabisado ko ang bawat detalye 
          Ang mga bangungot ko'y tila isa dalawang padyak lagi ang layo sa akin. 
          Kumakaway hanggang maupos ito sa mga kamay ko
          Magiiwan nang hapding init nito sa mga bukang palad ko.
          
          Ngayon, nagising ulit ako sa takot at may kumakabog na dibdib
          Ngunit, hindi ko alam kung bakit. 
          Nakatitig nanaman malayo sa akin ang isang masamang panaginip. 
          Isang eskena sa buhay ko na pilit kong tinatakbuhan; o ayaw aminin.
          Pero ang amoy niya sa pagdaan sa akin ay naiwan.