May bahaging dagat na hindi kayang languyin.
May mga lalim na hindi mo gugustuhing suungin.
Pero minsan sapat nang sigurado ka.
Bitbit ang lahat ng natitirang tapang—
tumalon ka.
Dahil kapag tumalon ka—
hindi mo dapat isiping malulunod ka.
— rav
May bahaging dagat na hindi kayang languyin.
May mga lalim na hindi mo gugustuhing suungin.
Pero minsan sapat nang sigurado ka.
Bitbit ang lahat ng natitirang tapang—
tumalon ka.
Dahil kapag tumalon ka—
hindi mo dapat isiping malulunod ka.
— rav
At sa ilang segundo
bago ang paghakbang pasulong,
bigla kang makakaramdam
ng dahan-dahang pagsakop—
walang pahintulot—
kapag tahimik na ang paligid
at may mga puwang na para mag-isip.
Minsan, sapat na ang pag-idlip
at ang tahimik na paghiling—
nagbabakasakaling sa paggising,
may mga damdaming
hindi na mabigat dalhin.
— rav