Tamang gunita lamang ng araw ng kalayaan kahit na hindi naman talaga tayo naging tunay na malaya. Nagbabago lang ang mukha ng mananakop pero nanatiling alipin ang bayan. Anong kalungkutan kaya ang babalot sa mga nagbigay ng kanilang bayan para sa inaasam na kalayaan kung hanggang ngayon inaalipin pa rin tayo? Nagbago lang ng anyo. Kung dati'y harap-harapan, ngayon ay natuto na silang ikubli ang mga mapansamantalang interes. Pero siguro, kung meron mang mas masakit, yun marahil ay mga kapwa Pilipino ang nang-aalipin sa sarili nilang bayan.