Hello there! This is Mieshanii. Ngayon ko lang po nagpagtantong hindi pa pala ako nagse-self introduce sa inyo. Kailangan pa ba yun? Para sa'kin, opo. Gusto kong mag introduce ng sarili.
Isa po akong tamad na Editorial writer ng school paper namin at tamad pa rin po hanggang dito sa wattpad. Hahahaha!
Pero kahit si Miesha ay isang napakatamad na writer, mayroon siyang magandang imahinasyon. Ayan na po, hindi ko po kayang i-down ang sarili ko. Yeeet.
Sa ngayon po, wala pa akong natapos na libro—kasi nga tamad ako at nagsusulat lang kung ginaganahan—pero susubukan ko pong makatapos ng libro para sa inyo! Gusto kong mai-share sa inyo ang aking nalalaman at kung anong produkto ng aking dalawang natitirang brain cells.
Nawa po ay suportahan niyo ako at basahin niyo po ang aking mga istorya. Mapa-fiction man, horror, o base sa realidad ang mga kwentong ito, nawa po ay magustuhan ninyo. Marami pong salamat!
~mieshanii