millkkkkkkk

Writing can be a bitch, especially dialogue, it should be the easiest part of writing but no, it somehow turns its back on me

millkkkkkkk

First time writing poem, hope you enjoy
          
          No Mercy In The Night Of Red Eclipse
          
          A swarm of iridescent light cascades down the drunken night,
          As a once-mighty wolf whimpers for a single bite,
          A stream of ichor follows the river of red eclipse.
          And a blade is cut in half by one tight grip.
          
          The night where monsters rise and gods fall.
          The night when danger strikes and starts to appall,
          is the day you’ll needn’t walk nor crawl.

millkkkkkkk

P. 2
          
          Itinuturing ko ang aking sarili na isang mapagmahal na tao, sapagkat kahit paghanga pa lamang ang aking nadarama ay kaya ko nang mag-bigay ng isang libong dahilan kung bakit dapat isigaw ang pangalan mo sa lahat ng mga tao sa planeta. Nakakatuwang isipin, pero ganito ako magmahal, dahil gusto kong ipakita sayo na ikaw ang i-sinisigaw ng aking puso, walang pag aalinlangan, ikaw, at ikaw lamang.
          
          Sa bawat taon na magdadaan, alam ko na imahe mo, at imahe mo lamang ang nakapinta sa aking puso’t isipan. At kahit paglaruan man ng tadhana ang ating istorya, kahit masaktan man ng paulit ulit, pipiliin ko parin na ulit-ulitin ito sa umpisa. Mawalan man ako ng pandinig, tinig mo na tila musika sa aking tenga pa rin ang hahanap-hanapin. Lumubog man ang
          araw, malaglag man ang mga bituin, pipiliin parin kita aking sinta at sana'y ganun ka rin saakin.
          
          Mag aantay at handa kang mahalin,
          Name

millkkkkkkk

This is a Tagalog letter that I'm too lazy to translate so hopefully someone I follow knows what it means. This is a letter I proofread and revised, I just wanna share it. Part 1.
          
          Mahal kong kalinaw,
          
          Sa panahong binabasa mo ito marahil ay masaya na tayong dalawa o marahil
          itong liham na ito ay akin ng nakalimutan, nakaipit sa aking paboritong libro at nakatago sa aking aparador at sa kailaliman ng aking memorya.
          
          Hindi maikakaila na minsan na akong naging bigo sa pag-ibig, kaya ako’y umaasa na ikaý iba sa mga lalaking aking nakasalamuha, sana’y hindi balewalain ang nararamdaman at sana’y ang puso ay hindi na muling masaktan. Ngunit kahit ako ay binigo ng pag-ibig, hindi nito mapapawi ang paniniwala ko sa salitang “pagmamahal”, hindi nito mapapawi ang pag asa ko na mayroon paring lalaki na tatanggap at kakalinga sa akin at sana ikaw iyon.
          
          Kumakalabog ang puso ko sa ideya na may isang taong matatawag kong akin. Isang talon puno ng mga tanong ay uma-agos sa aking isipan, alam ko na sa iyo patungo ang agos, at sa bawat langoy ko, mas nalalapit ako sa tahanan. Ang dami kong tanong. Bakit ako ang pinili mo? Bakit ikaw ang pinili ko? Hindi ako mapakali, hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa kilig at saya na tumatak sa bawat sulok ng isip at puso ko.