misskiiro

Susubukang magsimula muli. Dahan-dahang lalakad pasulong. Patuloy na susubok. Madapa man, tatayo nang paulit-ulit.

misskiiro

Hindi ko alam bakit sobrang hirap na bumalik sa dati mong minahal. Yung kasiyahan na naramdaman mo nung  una, unti-unti nang nawawala. Unti-unti'y nawawala na nang gana. Unti-unti'y namamatay ang emosyong nabuo kasama ng papel at pluma. Kailan kaya muling sisilay ang ngiti sa mga labi dahil sa mga salitang napalaya kasama nilang dalawa. Mababalik pa kaya?