"Write what you like." ;)
***
Ako si Mei na isang makata,
Hindi nga lang yata halata;
Hindi ako maganda, cute lang talaga,
Dahil ang tunay na kagandahan ay 'di sa mukha nakikita.
Ako raw ay simple,
Ngunit hindi inosente,
At minsan kasing bangis ng serpyente,
Marami rin sa'kin ang natotorpe. (Lol Just kidding!)
Matimatika ang paborito kong asignatura,
Nakakaaliw kasi ang mga numero at si x pati na rin si y na letra.
Gusto ko ang mga kulay na itim, puti at pula,
Maganda kasi sila para sa aking mga mata.
Hindi pa ako nagmamahal nang lubos at tapat,
Hindi ko pa kasi nakikita si Ginoong karapat-dapat,
Tila panahon pa raw kasi ay hindi sapat,
Maghintay pa raw ako hanggang maging maayos ang lahat.
Makikinig ako ngunit hindi ako maniniwala,
Ang tiwala ko kasi ay kay hirap makuha.
Kung may bolero, ako naman ay bolera,
Bolera lang ako sa mga paasa.
Pagbe-vector portrait sa Adobe Photoshop at Adobe Illustration ang bago kong libangan,
Minsan subukan niyo rin tingnan,
Doon sa facebook ko ang mga likha kong ewan,
Baka sakali kayo rin ay magandahan.
Marami akong pangarap,
Gusto ko magkaroon ng itim na pakpak upang makalipad,
Gusto ko rin maging sikat na graphic artist habang may araw,
Biro lang, ang pangarap ko ay... ay maging masaya lang.
Oo nga pala, ako pa ay may sasabihin,
Hindi ko hinihiling mga tula ko rito ay basahin,
Hindi naman kasi ako magaling,
At hindi tulad ng iba na may ningning.
Pero kung iyong mamarapatin,
Aking mga tula ay ikakalat na parang lagim,
Dito sa Wattpad ay sa'yo ipapatikim,
At hindi ako magdaramdam kung hindi mo man papansinin.
Nilalabas ko lang ang nasa aking damdamin,
Wala kasi akong magpagsabihan na alipin,
At lungkot ay gusto lang alisin,
Nitong binibining mahinhin.
- DreamLand
- JoinedOctober 3, 2014
Sign up to join the largest storytelling community
or
misuMei
Feb 10, 2018 06:53PM
Sa bilis ng tibok nitong dibdibNapapangiti ang umiibig. #SpecialAView all Conversations
Stories by Melanie Mae G. Dagulo
- 5 Published Stories
Mga Tula ni Mei
46.1K
1.4K
63
Hindi masabi ng bibig,
Sana'y iyong waring marinig,
Sa pamamagitan ng tula nitong dibdib,
At hayaan na ikaw r...
#222 in tula
See all rankings
Mei's Poems
4.2K
344
20
\(^_^)/
Kapag sa tuwina ako'y tulala,
Ako'y gumagawa ng tula,
Hirap ay hindi alintana,
Sapagkat ako'y masaya...
#431 in makata
See all rankings
Mga Tula ni Mei #2
461
16
12
Hindi masabi ng bibig,
Sana'y iyong waring marinig,
Sa pamamagitan ng tula nitong dibdib,
At hayaan na ikaw r...
#95 in unspoken
See all rankings
8 Reading Lists
- Reading List
- 6 Stories
- Reading List
- 2 Stories