Lagi po ako nagbabasa ng mga posts dito sa page niyo, dun sa mga nagsseek ng advice. Noon ko pa po gustong manghingi ng post dito. At eto na nga po, I ended up, asking for some advice thru your page. Here's how the story goes..
May boyfriend po ako. Kaka 1st year anniversary lang namin. Pero sa loob ng isang taon na yun, we've been through a lot. Sobrang dami talaga. Ilang beses na rin kami nagbreak. May time pa na ako, na babae pa ang pumunta sa kanila kapag sinabi niyang break na kami. Alam kong mali na gawin ko yun pero.. Kasi siyempre, bilang mahal mo yung tao. Ayaw mo siyang mawala sa'yo kasi nga mahal mo. Diba? So ayun na nga. Lagi kaming nagaaway. Kada nagaaway kami, lagi siyang nagsasabi na break na kami blah blah blah. Basta, gusto niya lagi makipagbreak tuwing nagaaway na lang kami. Sagarang mura pa natatanggap ko kada makikipagbreak siya. May time rin na muntikan na niya ako mabugbog. Basta ganun, laging ganun na lang ang nangyayari tuwing nagaaway kami. Ngayon, nagaway nanaman kami. Sobrang nasaktan na talaga ako sa mga sinabi niya. Compared sa mga dating sinasabi niya na nakakasakit rin. Pero eto na ata yung pinaka grabeng mga salita na natanggap ko galing sa kanya. Lahat ng sabihin niya, minumura niya ako. "Hayup ka" "Tang ina mo" "Leche" "Gago" at kung ano ano pa. Nakipagbreak na rin siya. Pero ang pinag-ugatan lang naman ng away na ito ay dahil nagseselos ako and he find it "O.A". Ang O.A ko raw. O.A ba ang magselos?
Now, gusto ko ihingi ng advice.. Eh, kapag ba kinausap niya ako ulit, kapag nagsorry siya, kapag gusto niya ulit makipagbalikan? Is he worth to be given a chance, again?
Thank you so much. Sana mabigyan ako ng advices na makakatulong sa akin. Salamat ulit!
` Nagseselos Ako Sa Mga Taong Nagiging Malapit Sayo Lalo Na Pag Wala Ako