THIS MARKS THE DAY OF RIE-KI FINALLY FINISHING ILYS1892.
MARCH 17, 2018
AND IT’S MARCH 17, 2019. AAAAHH
HAPPY FIRST ANNIVERSARY?!! I LOVE THIS KUWENTO SM!!
Nasa Luneta Park lang ako. Hawak ko ang tablet at stylus, nag-iisip kung ano ang puwedeng ilarawan. Pagkatapos ng limang minuto, tinamaan ako ng artist’s block at napabuntong-hininga na lang ako dahil sa inis.
Pero hindi ko napansin na may tumabi sa akin at napalingon ako sa kaniya.
“Nais mo bang iguhit ang aking nobela?”
Pinakita niya ang aklat na hawak niya.
Noli me Tangere.
Katatapos ko pa lang basahin ang OALS na ginawa ni Binibining Mia. Hindi ko inaasahan na ganun ang mga nangyari, ngunit nagustuhan ko iyon dahil binigyan ako ng leksyon. Ang galing. Napakahusay niya talagang magsulat. Naluha ako sa iba. Kinilig ako. Napangiti ako. Grabe talaga - marunong siya mangsurpresa.
Kahit mga June o July ko sinimulan ang nobela at natapos lang ako ngayon; nanatili pa rin ang mga magagandang alaala na idinulot nito. Kagaya ng ILYS 1892, mamahalin ko ang dalawang iyon sapagkat napakaganda ng ipinapakita nito.
<333