Wag ka na maging sweet sakin.
Wag mo na akong lambingin.
Wag mo na akong mahalin.
Wag mo na akong paasahin.
Wag ka na ring magparamdam.
Kung di rin lang maibibigay ang pagmamahal na inaasam.
Mahal na mahal kita, ngunit ako'y magpaparaya.
Kung sa kanyang piling ikaw ay liligaya.
Wag ka ng mangulit.
Kasi ang puso ko, nadudurog mo ng paulit-ulit.
Mahal na mahal kita, sobra.
Kaya ngayon, labis labis ang sakit na tinatamasa.
Wag ka na muling lumapit.
Kasi ang puso ko'y aasa na naman ulit.
Mahal na mahal kita, sobra.
Mahirap man, ngunit tatanggapin ko, sinta.
Pag-iibigan nating nagwakas kahit wala namang simula.
Nakakapanghinayang dahil bumitaw ka nalang bigla.
Paalam na, sa pag-iibigan nating nawala....