Just wanna share this spoken poetry, HAHA.
If you like to read some of my poems, just visit my profile and tap ENRAPTURE. :) Tinchuu!
Title: Walang Tayo
Oras, apat na letrang binubuo natin sa bawat isa araw-araw,
Bawat minuto kausap ay ikaw maging sa kinalalagyan ay di magalaw
Ramdam ko pa ang mga banat mong nakakakiliti sa puso,
Minsan pa'y nagbibiro ka't inihaharap sa akin ang iyong nguso.
Pero sa tagal ng panahon ako'y napatanong; ano nga ba tayo?
May tayo nga ba, o baka parang tayo pero hindi?
Parang 'gusto' pero kaibigan Lang?
Parang 'mahal' pero salita ay di mabigkas ng pormal?
Hindi Kaba nagtataka Kung bakit ganito tayo umasta?
Para bang isang pyesa na pag-aari mo na at inilaan lamang sa isa?
Hindi kaba nagtatanong Kung anong Meron sa ating dalawa?
Na ni minsan hindi natin inabalang itinanong sa isa't-isa.
Naguguluhan ako nang umabot tayo sa puntong di na nagkapansinan.
Para bang estrangherong nakabangga ko Lang sa may sakayan.
Ramdam ko na ang katapusan na aking kinatatakutan.
Katapusan ng binuo nating laro lamang, na dapat ay Tayo naman.
Bakit ako nasasaktan?
Kung sa simula pa Lang ay walang Tayo sa usapan.
Mabigat sa pakiramdam na inisip ko pa lang kung saan at ano ang katapusan.
Magtatapos na Lang ba ang lahat nang hindi malinaw sa ating puso't isipan?
Isang araw sa ating dating tagpuan, inamin ko na ang aking nararamdaman.
Ikaw lamang ang aking minahal.
Pero para akong binuhusan ng yelo sa mga salitang iyong binitawan 'patawad pero walang Tayo.'
Ganon nalang, nauwi sa patawad ang lahat.
Ang sakit isipin na binura mo agad ang ating pinagsamahan,
Kung sa bagay wala namang tayo na dapat ipaglaban.
Walang Tayo na dapat ibalik; at higit sa lahat walang tayo sa simula pa lang.
Kaya, mahal paalam
Hiling ko lamang sa iyong paglisan sana'y di natin ulit ito mararanasan.
dj