mystshade
Habang pauwi ako kahapon galing DFA, namimiss ko 'yong panahon na nagsusulat lang ako. Namimiss ko 'yong mga watty friends ko, 'yong readers ko, mga armys-wattpader friends ko. Lumipas na pala ang panahon, hindi ko namalayan. Wala pa rin akong narating. Naiiyak ako kapag naaalala kong ang dami kong sinayang. Hindi naman ako makabalik sa panahon na puno ako ng pangarap pero walang opportunity. Ngayon naman, ang daming opportunity pero hindi ko na alam ang pangarap ko.