Tutal, nandito ka rin lang naman sa profile ko, bakit hindi mo pa tignan at basahin ang kaechosan nilagay ko sa textong ito.
Una sa lahat, ako'y isang uri lamang ng nilalang na mahilig magbasa. Tagalog Pocketbook, English Pocketbook, Manga (japanese comic) o dito man sa Wattpad. Basta may mababasa, aking binabasa.
Sumali ako sa Wattpad para may mabasa. Kumbaga sa iba, ako'y matatawag na Silent Reader. Mahilig magbasa, pero hindi mahilig gumawa ng mababasa.
Pero isang araw, nagising ako na gusto ko palang gumawa ng sariling kong istroya. (Wala lang, gusto ko lang gumawa) Kaya lang naisip ko, mahirap gumawa ng sarili mong istorya. Ang dami mo pang kailangang isipin. Tauhan, mga Pangyayari, Komplikadong Sitwasyon, Romantikong Sitwasyon, Makekesong Eksena, Kontrabida Eksena, Mga walang Kwentang Usapan at marami pang iba. Di ba? Ang komplikado. Kaya heto ako ngayon, isang dakilang mambabasa ng mga istoryang gawa ng iba. Ayos diba? :)
Pangalawa, mahilig ako sa mga Anime. PERO hindi ako cosplayer, dahil wala akong pera pangpa-gawa ng costumes. Masyadong mahal ang mga ganung bagay. KURIPOT akong tao.
Pangatlo, kung gusto mo ang bandang Fall Out Boy, aba'y magkakasundo tayo. I-follow mo lang ako at mapaguusapan naten yan.
- JoinedOctober 26, 2012
- facebook: ndrsgrt's Facebook profile
Sign up to join the largest storytelling community
or