Good morning. Kumusta kayo?
Okay. This might be the saddest thing I could announce to you all.
I’m quitting Wattpad—and possibly, writing.
Ilang buwan ko na rin itong pinag-iisipan, sa totoo lang. Ang daming hesitations; ang dami ring motivations na, “Hindi, kaya mo pa.” But to be honest, napagod na rin ako. Ubos na ang mga salita ko. At the same time, wala na rin yung spark at yung saya na dulot sa akin noon ng pagsusulat.
Habang tumatagal din, parang unti-unti na rin akong hindi nasa-satisfy sa mga isinusulat ko—hence, the long hiatuses and unfulfilled updates. It’s not the same for me anymore. Parang niloloko ko na lang din yung sarili ko. Sobrang lost ko na sa bagay na noo’y kinahiligan ko.
Sure, it still feels nice kapag nananalo ako ng wricons or kapag tumataas reads ko sa Watty or kapag nagkakaroon ako ng recognitions. Pero naroon na rin kasi ako sa punto na parang... hindi ko na rin ma-feel yung halaga ng mga iyon. Parang wala nang saysay. Parang... hindi na ako nag-go-grow.
For years, writing/Wattpad became a love-hate relationship for me. Pero ngayon, parang mas nangibabaw na yung latter.