Hi.
Sa mga kaibigan ko na walang hanggan ang suporta sa mga stories ko mula day 1, thank you so much sa mga comments, votes at panghihikayat sa akin through the process.
Sa mga silent readers na nakikita kong nagvo-vote at nag-a-add ng mga stories ko sa reading list nila, maraming salamat sa tahimik na suporta.
Kayo lagi't lagi ang dahilan kung bakit gutom na gutom ako mag-improve. Iyon lang, minsan may mga pagkakataon na parang hindi na ginugusto ng puso ko. Hindi dahil sa lumalabo na ang landas sa gusto ko patunguhan pero dahil sa gusto ko lang ng pagbabago.
Hindi ako titigil magsulat. Walang kwentong 'di matutuloy. Sa ngayon, magsusulat na lang muna ako para sa sarili ko, and if there's a chance na mahanap ko ulit iyong sarili kong binabagtas ang daan pabalik rito, babalik ako. Kung hindi man, sigurado akong magtatagpo pa rin tayo, marahil sa ibang sitwasyon at pagkakataon pero nagdudugtong pa rin sa thread ng pangarap kong mapasalibro ang lahat ng mga nagawa at gagawin ko pang mga kwento.
Take care, guys!
- Woods.
- EntrouFebruary 17, 2015
Crie uma conta e junte-se a maior comunidade de histórias do mundo
ou