Hindi ko alam kung saang paraan ko maipapaliwanag pero heto po ang nangyari sa akin.
Nanakawan po ako ng cellphone, yung phone number ko po na nakaregister sa tiktok acc ko ay naroon at kailangan po ng OTP para mabuksan ko yung acc ko kasi hindi po iyon nakalink sa email at kahit anong socmedia acc ko.
Therefore, hindi ko na po iyon mabubuksan. Unless, gagastos ako para magpa notaryo ng affidavit of loss. But for now, wala iyon sa priority list ko. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa tiktok, nakakapanghinayang ang 11K followers ko roon na tinrabaho ko ng limang buwan. Hindi ko na alam, nawalan ako ng gana ipagpatuloy ang lahat ngayong alam kong babalik ulit ako sa simula... Isa pa ay ayaw kong magbago ng username sa tiktok, masyado nang napalapit sa aking ang "niskoniskoni"
Bukod sa tiktok ko, pati Youtube Channel ko na may 2K subscribers ay hindi ko na rin mabubuksan. Cellphone ko lang ang may access sa email na ginamit ko roon at kailangan rin ng verification code mula sa phone number ko kung bubuksan sa ibang device.
In short, hopeless case na ito. Hindi ko na marerecover ang acc ko sa tiktok at sa youtube.
Kung gusto niyo po akong tulungan, please do not hesistate to contact me on twitter.
Dm me: @niskoniskoni
Thank you so much!