Guys, I was wondering if I should continue writing my unfinished stories...
Huhuhuhuhu. Itutuloy ko pa ba?
O mananahimik na lang ako?
Charot. Itutuloy ko pa rin naman, pero nalulunod na ako sa dami ng ideas.
Seryoso, ang hirap pala kapag ang dami mong gustong mangyari sa story tapos gusto mo ring maging maayos ang execution.
Alam niyo naman na medyo complicated ang plots ko. Mahilig kasi akong mag-research at maglagay ng psychology, real-life situations, at iba't ibang character dynamics para mas maging realistic at engaging ang story. Hindi man ako psychology student, pero sinusubukan kong pag-aralan ang mga topics na ginagamit ko para hindi naman puro imbento.
Napapansin ko rin na may mga loopholes pa akong kailangang ayusin. Kaya minsan natatagalan ang updates dahil gusto kong maging consistent ang flow ng story at malinaw ang role ng bawat character.
Ayaw ko rin kasing basta na lang magsulat ng eksena na hindi connected sa bigger picture. Kahit minsan napapa-"ano ba 'tong ginagawa ko?" na rin ako.
Baguhan pa rin po akong writer, kaya maraming salamat sa patience, support, comments, at votes ninyo.
Promise, hindi ko nakakalimutan ang mga stories ko. Medyo nakikipagbuno lang ako sa sarili kong plot.
Lovelots,
Nissy ♡