Sa taon na 2019, nagsimula akong magsulat ng mga maikling k'wento at natuto rin akong mangarap na balang araw ay makapaglathala ng isang nobela, o libro ng mga tula. Hindi aroma ng kape ang nagpapanatili sa aking tuwing gabi, kundi ang pagsusulat sapagka't isa ako sa mga nahihirapan din makatulog, hindi ako 'yong tipo na dinadapuan agad ng antok. Naging pahingahan ko ang pagsusulat, malaking parte sa aking buhay ang pagtitipa ng mga maikling k'wento, ng mga tula na nagpapabigat sa aking talukap, at ng mga prosa na bunga ng mga silakbo. 

Lumangoy tayo sa proseso,
magtiwala sa sarili nating progreso.

padayon!!💛
  • JoinedSeptember 26, 2018



1 Reading List