Pinangarap kita noong nangangarap ka.
Binitawan kita para lumipad ka.
Ngunit hindi ko inakala na sa pagpili kong magpaubaya
Ay tuluyan kang mawawala.
Sinta, minsan ba sumagi sa isip mo?
Noong ikaw at ako
Minsan ba nasabi mo,
“Sayang sana tayo.”
Sinta, minsan ba ginusto mong bumalik?
Doon sa mga panahong tayo’y sabik
Sa bawat isang yakap at halik
Sana, sana nga ika’y bumalik.
Sinta, ako’y naghintay,
Na sana maalala mo,
Na sana balikan mo,
Hanggang pag-asa’y namatay.
Pinangarap kita, noon.
Bibitawan kita ulit ngayon.
Sana masaya ka
Pipilitin kong sumaya kahit wala ka na.
nocturnalreader3