Hi. Ako yung nag-comment dun sa "Hanggang dito na lang ba?". Uhh, regarding dun sa tumitingin siya sa iyo every time magrerecite ka, wag ka nalang mag-assume. Mahirap na, masaktan ka lang in the end. Pero, ako pwede ako mag-assume. Hahaha! Ang iniisip ko bakit siya nakatingin sa iyo is because, namimiss ka niya. Diba? Best friends kayo, siyempre mamimiss ka niya. :) Well, yun ang mahirap. Ikaw iniisip mo na okay lang na maging honest siya, pero iba ata ang tingin niya. Baka para sa kanya, walang use na maging honest siya sa iyo kasi dahil sa umamin ka, a lot has changed. It will never stay the same. Kaya minabuti niyang umiwas. Ewan ko lang. Dakilang assumera ako eh. Lol.