Hi, ang babaw ko magkakameron na ako, sure na.
Kasi naman, nagstart na kasi ojt namin, tsaka nalang ako magkwento pag tapos na, so ayun naka 3 weeks na kami and ngayon lang ako nakauwi ulit, balak kasi namin magsimba bukas. Kaya ako nakauwi kasi wala kaming pasok ng sabado so nakeri naman ng time. Tas pagkauwi ko nagchat si inay na pupunta daw mga katrabaho nya dito samin so maglinis daw ako. Sabi ko okay, nagjoke pa ako na parang umuwi lang ako para maglinis and then ayun dumating na sila. Tapos noong tutulog na ako ipinasok ko na yung electric fan, kaso noong sinksak ko di na sya nagana. So ang ginawa ko nanghiram ako kay nanay, yung sa tindahan kasi nga di ko keri walang electric fan kasi malamok pa. Tas noong nakahiga na ako tas dapat tutulog na ako kaso natatae ako so nagcr muna ako, tas pag labas ko yung electric fan na yun nandoon na sa sala, kasi dito pala tutulog yung isang katrabaho no inay. Ewan ko ba nakaramdama ako ng inis kasi naman hiniram ko nga yun para sakin tas iba yung gagamit, tapos isa pa is yung kumot ko, dapat ba na kumot ko pa ang ipagamit? Pede naman na yung kay inay nalang. Nakakainis, tas yun napaiyak na ako sa inis HAHAHAHA naiinis ako sa sarili ko kasi naiinis ako, gets ba? HAHHAHAHA kasi naintindihan ko naman kung bakit binigay ni inay yun doon, kasi nga bisita sya kaso lang di mawala sa isip ko na okay lang na lamukin ako tas sya hindi, okay lang na allergyhin ako dahil sa kumot at okay lang na paglinis ako kahit kararating ko lang para sana magpahinga HAHAHAHA ayun lang. Dinamdam ko lang sya, pero naintindihan ko naman yung reason. Nakakainis lang talaga. Okay lang ba yung naramdaman ko? Idk, siguro nga dala lang to ng regla, kasi magkakameron na ako HAHAHA.