officialwhosthatgirl

Chapter ahead on Patreon
          	Updating every Saturday
          	I just published "Chapter 6: A Haunting Reunion" of my story "De La Escalera Series 1: Midnight Waves". https://www.wattpad.com/4593657?utm_source=android&utm_medium=profile&utm_content=share_published&wp_page=create_on_publish&wp_uname=officialwhosthatgirl

user09188270

Goodmorning po ..I'm a fan papano ko po kayo mahahanap sa Patreon
          .having a hard time po.

officialwhosthatgirl

@user09188270 hindi ko din alam bakit hindi ko din mahanap account ko  patreon.com/officialwhosthatgirlstories
Reply

officialwhosthatgirl

@user09188270 log in ka sa patreon tapos may search bar dun po
Reply

user09188270

Di ko po ma access sa Patreon saan po din hahanapin po?
Reply

officialwhosthatgirl

For those who are asking, at nagugulat din ako kung bakit ang daming nag memessage sa akin- every Saturday ako mag aupdate sa Patreon nang advance chapter ng Midnight Waves, at every Monday naman dito.
          
          For the pending stories, uutay utayin ko hanggang maibalik ko pero for sure, tatapusin ko ang Bad Boy Series. Itong series na ito ay talagang madaming kailangan iimprove kaya sana bear with me.
          
          Since I needed funds, I am going to delete UW here on October 20, 2024. Kaya pwede nyo pa sya mabasa. Hindi pa ako sigurado kung aalisin ko din ba ang buong BBS Series dito o papalitan na lang ng edited version? Hindi ako sigurado pa.
          
          Sa lahat nang nagtatanong kung may copy pa ba ako ng selfpub ng UW, baka magkaron ng reprint na hindi na hardbound. Depende. You can comment here kung ano mas gusto niyo.
          
          Same content. Same freebies.
          
          Kapag hardbound, mas mahal, mas makapal, mas mabigat.
          
          Kapag softbound, mura, makapal na paper, magaan. NEW COVER. REPRINT.
          
          Tungkol naman sa Bachelor Series, hindi pa rin ako sigurado kung magkakaron ng reprint.
          
          DEPENDE ITONG SELFPUB KUNG MADAMI MAG AAVAIL. 20MIN. Papasok ang pera sa goal natin kasama 'yung sa patreon.
          
          Pwede kayo sumali sa GC sa Patreon para makausap ko kayo about this and may makachikahan naman ako kahit paano. Hahahah
          
          So, yun
          
          www.patreon.com/officialwhosthatgirl

officialwhosthatgirl

Gaya ng palagi kong paalala sa lahat, kung meron na kayong specific standards pagdating sa isang manunulat, at nag iisip na wala nang makakahigit pa sa manunulat na yon, wag nyo na po basahin ang sa akin. Nag susulat lang ako para sa sariling imahinasyon at paglalabas ng saloobin. Kung sa tingin nyo ay walang wala akong laban sa manunulat na nasa utak nyo ay walang problema dahil hindi naman ako nag susulat at lumilikha ng mga kwento para magkaron ng kakumpitensya sa larangang ito.
          
          Ugaliin natin ang pag iwas sa pag gamit ng mga salitang makakasakit ng damdamin ng ibang tao. Stay kind and also choose to be a better person.
          
          Ang mga kwentong isinulat ko ay pawang walang katotohanan at galing lamang sa sariling imahinasyon, ang bawat tao, lugar, o kahit ang mga dates na lumabas ay parte ng aking sariling imahinasyon upang makabuo ng kwentong magugustuhan ng iba.
          
          Kung ang kwento ko ay hindi pasok sainyong panlasa, magulo ang pagkakakwento, hindi maintindihan, may mga bagay na sadyang kailangan pag isipan at intindihin hindi lamang bumase sa mga salitang nakasulat.
          
          Salamat pong muli. Magbabalik na po ako sa pag susulat.