orenjiberi

Wala akong update kaya bakit tumataas follower count ko? Parang 80-ish lang no’ng nakaraan, may issue ba ako? Saan kayo galinggg (⁠ ⁠⚈̥̥̥̥̥́⁠⌢⁠⚈̥̥̥̥̥̀⁠)

orenjiberi

Hi, everyone! After being away for months, I realized na na-outgrow ko 'yung writing style ko kina Anton at Caloy. Ngayon, nag-s-struggle ako bumalik sa kanila. With their extensive plot, kailangan kong hanapin 'yung right voice ulit. Please bear with me sa future projects ko dahil magiging attempts ko ang mga 'yon para makabalik sa mga anak kooo ;-; 
          
          I have a collab with friends, and I might write the other installment of Marahuyo Series for this, or plot some branching stories or a prequel. Regardless, I'll let you know! Thank you for always supporting me at sa pagtitiis sa pagiging kabute ko. Lalavyu sintones!

orenjiberi

Backfiring Cupid's Arrow | ➴ Chapter 12: Arrow of Courage
          https://www.wattpad.com/story/402724783
          
          Otomatiko kong tinahak ang podium at sinalubong ang mga abelyanang mata na pumako agad sa 'kin. Ang pintig ng pulso ko sa likuran ng mga tenga ay unti-unting lumalakas dahil parang ayoko pang maniwala na siya 'to.
          
          May bumalot na init sa puso ko, sa galak at ginhawa, dahilan para hindi ko mamalayang nakahawak na ako sa podium para suportahan ang sarili ko.
          
          Siya nga. Inaangasan niya ako gamit ang tindig, pero natutunaw lang ang tensyon sa katawan ko habang tinatahak niya ang distansya sa pagitan namin.
          
          Sa bawat hakbang niya, parang may gunting na gumugupit sa mga taling nakapulupot sa leeg ko. Kasing talas ng tingin na hindi niya tinatanggal sa gawi ko, kasing lakas ng presensyang dala niya na hindi nagbago.
          
          Unti-unti akong nakahinga.
          
           #AntonCaloyWP

orenjiberi

Backfiring Cupid's Arrow | ➴ Chapter 11: Tough Luck's Favourite
          https://www.wattpad.com/story/402724783
          
          Hindi ko talaga makita. Lahat ng sinasabi nilang kaya kong gawin... hindi ko makita sa sarili ko.
          
          Saan nila nakukuha ang ideya na kaya ko?
          
          Bakit ibang-iba ang sinasabi ng isip ko sa sinasabi nila tungkol sa 'kin?
          
          Bakit pakiramdam ko na kapag naniniwala ako... niloloko ko lang ang sarili ko?
          
           #AntonCaloyWP

orenjiberi

@HikaHikaHikarichi MAS LALO AQ SINISIPAG SA GAN'YAN MO ACKKKKK
Reply