"2NE1 DESERVES A COMEBACK"
(PS:they were my first and last girl group I loved)
-
-
-
Sila yung una,
Unang tumatak,
Unang namalagi,
Unang minahal ko.
(2ne1 lang, wala ng iba)
Sila yung kahit mapanood mo lang,
Matignan mo lang,
Masilayan lamang,
Naguumapaw na and saya at ligaya sa puso.
(Kahit Hindi mo pa talaga sila nakita)
Napapasayaw,
Napapakanta,
Napapasaya,
Ganyan and tama nila sakin.
(Walang kupas pa)
Sila ang legendaryong hinangaan ko ng gusto,
Minahal ko ng to do,
Kinabaliwan ko ng husto,
2ne1 ang pangalan nito.
(Walang kapantay)
Parang sila yung paborito ko'ng laruan,
Hindi ko maiwasan,
Hindi ko maiwanan,
Pero bigla akong inagawan.
()
Dahil silang apat na legendary,
Silang iniidolo ko ng gusto,
Minahal ko ng todo-todo,
Nawala sa isang Segundo.
()
Ang tinatawag na "DISBANDMENT" nangyari sakanila,
Ng walang babala,
Ng walang pahintulot,
Na ang kanilang paglalakbay ay mauudlot.
()
Ang grupong hinangaan ko,
Ang grupong kinabaliwan ko,
Ang grupong nanguna sa puso ko,
Biglang huminto.
(Wala na)
Mundo'y tumigil,
Damdami'y di mapigil,
Luhang kumakawala,ayaw magpapigil,
Hikbing walang tigil.
(Sobrang sakit pala)
Nung una ganto ang mga tanong ko,
"Kelan babalik ang QUEENS ko?",
"Bakit ang tagal bumalik ng mga reyna ko?",
Excited na ako,kahit na ang pagbabalik nila ay malayo pa.
()
Pero naiba,ngayo'y ganito na,
" bakit ganto?",
"Bakit sila umiiyak ng ganto?",
" bakit sakanila nangyari to?".
(Nakakamatay ang sakit na naidulot)
Ang sakit pala,
Na makita sila,
Na umiiyak at walang gana,
Parang Hindi sila.
()
Bilang taga-hanga nila,
Simula palang, kami'y sumumpa,
Na kami'y sakanila lang hahanga,
Na ang puso't isip nami'y sakanila lamang, walang ng iba.
()
Kaya...
()
Kahit Malabo mangyari,
Kahit mahirap mangyari,
At kahit walang kasiguradohang mangyari,
Ako ay aasa parin na balang araw iyon ay mangyayari...
-
-
-
Missing 2ne1...